💜UBE HALAYA💜


Ingredients:
1 1/4 kl. ube
1 1/2 cup sugar or 1/4 kl. sugar
1 can 300 ml Condensed milk
1 can 410 ml Evaporated milk
2 cups pure coconut milk
3 tbsp. Margarine/Butter
1 tsp. salt
1 tsp. violet food color (Optional)



Procedure:
- Boil or steam ang ube hanggang lumambot, mas maigi balatan at hatiin para mas mabilis maluto. 
- Gadgarin ang ube bago ihalo ang evaporated milk at sugar at haluin ng maigi,  o pwede rin na i-blender at ilagay ang evaporated milk at sugar. 
- Isalang ang kawali at pakuluin sa medium heat ang 2 cups coconut milk.
- Kapag kumulo na ay hinaan na ang apoy sa low heat at idagdag ang ube. Haluin.
- Ilagay na ang 1 can condensed milk. Haluin hanggang maging makunat na ang mixture.
- Maglagay ng 1 tsp violet food color. (Optional). Haluin.
-  Ilagay ang 1 tsp salt. Haluin.
- Idagdag na ang margarine/butter, at ipagpatuloy ang paghalo. Aabot ng halos isang oras po ang buong paghahalo. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang maging makunat ang ube halaya. 
- Kapag luto na ay palamigin. 
- Serve with grated cheese on top. ENJOY!

HAPPY COOKING MGA KA-NOYPI!😊