Cassava Flan 3 ingridients only || No OVEN
*1kl Fresh Cassava
*1 can condensed milk or 2 cups condensed milk
*2 egg
*Caramelized syrup*
* 2 tbsp sugar ( per lyanera )
* 2 tbsp water
para po sa mga walang load eto na po ung procedure
STEP 1
-balatan ang cassava at alisin ang ugat sa gitna
-after balatan kayurin ito at pigain para matanggal ang katas
STEP 2
imix ang cassava , condensed milk , egg then set aside
STEP 3
gumawa ng caramel sa lyanera
maglagay ng 2 tbsp sugar & 2 tbsp water
tunawin ito sa low fire
pag tunaw na palamigin lang ito
STEP 4
pag malamig na ung lyanera ilagay na ang cassava mixture
bahala ka kung ganu mo gusto kadami ilagay
after mo ilagay lagyan mo ng cover
Step 5
magpakulo ng tubig sa steamer . pag kumulo na ilagay na ang cassava at takpan . lutuin ng 35 to 45 mins sa low fire
STEP 6
after 35 to 45 mins . tusukin ng fork or stick kung luto na ito . pag wala na sumama luto na ito . palamigin ito at ready to eat na !
STEP 7
para mas masarap lagyan ng Cheese para sa toppings (OPTIONAL)
kung ayaw mo ok lang
nagawa po ako ng 4 na lyanera ( medium size ) na cassava cake sa 1kl
0 Comments