EGG PIE RECIPE

Ingredients:

Crust:

3/4 cup all purpose flour
1/4 cup cold butter or margarine
1 1/2 tbsp cold water
1/4 tsp salt
1/4 tsp vanilla
1 egg yolk
1 tbsp sugar

Filling:

1 cup evaporated milk
2 whole eggs
1/2 tsp vanilla
1/2 cup sugar
3/4 tbsp cornstarch

Meringue;

1 egg white

Procedure:

1. Pagsama-samahin ang harina, asin at asukal, haluin na mabuti. Ilagay ang butter at haluin hanggang parang maging breadcrumbs ang hitsura.
2. Ihalo ang egg yolk at cold water. Haluin mabuti. Sa clean surface, masahin ang dough hanggang sa wala nang dumidikit sa kamay.
3. Bilugin ang dough at gamit ang rolling pin, i-roll ang doll para maging flat ito. Kapag ok na ang dough (nipis) ilagay sa pie plate or pan. Tusukin ang pie gamit ang tinidor at ilagay sa ref habang inaasikaso ang filling.
4. Batihin ang itlog, isama ang lahat ng natirang ingredient para sa filling at haluin mabuti, set aside.
5. Para sa meringue, batihin ang egg white gamit ang hand mixer hanggang maging parang icing ang consistency. Ihalo sa filling at ilagay sa pinalamig na pie crust.
6. Pre-heat ang kawali (wag kalimutan na takipan) bago ilagay ang wire rack na pagpapatungan

ng pie pan. Kung wala kayong wire rack, pwede lagyan ng apat na bato para sa pagpatungan ng pie pan sa kawali. Ilagay ang pie pan at hayaan maluto sa low fire for 40 minutes or hanggang maging brown ang ibabaw or maluto ito, depende sa laki ng pie. Siguraduhin na may takip ang kawali. Gawin ang toothpick test para malaman kung luto na ito.