Para po sa lahat ng nagtatanong kung paano po cya lutuin ang CREAMY CHICKEN PASTEL.
narito po...


1) 1kilong buong chicken hiwaain po ng ayon sa laki na gusto nyo.. 5 pcs hotdog (hiwain ng palihis para maganda)

2) magpukpok or maghiwa ng mga 3 butil ng bawang at maghiwa 1 mejo malaki laking sibuyas..

3) 3pcs patatas &1 big carrots hiwain..

4)2 pcs bell peppers red & green para po maganda ng tignan 😊 hiwain ng pacubes..

5) kaunting patis, pamintang durog, dahon ng laurel & 1pc ng knorr chicken cubes or bahala na po kayo sa gusto nyong pampalasa 😊

6) 1 malaking gatas na malabnaw kahit anong klaseng malabnaw po pero mas masarap sana kung alaskang malabnaw na kulay pula...
1 maliit na Eden cheese sachet (gadgarin) 
1 tomato sauce ung pinakamaliit lang po.. 




Paraan ng pagluluto:
Igisa ang bawang at sibuyas pati na ang chicken lagyan ng kaunting patis mga 3kutsara lang.. lagyan ng pamintang durog, dahon ng laurel, knorr cubes chicken...
Takpan ng mga 10 minuto haluin ng bahagya tapos ilagay na ang patatas at carrot's takpan lang po ulit hangang sa lumabot na ang patatas at carrot's..
Kapag malambot na po ang patatas at carrot's ilagay na po ung tomatoe sauce & ginadgad na cheese at bell pepper at ung hiniwang hotdog halu haluin ng bahagya lang para ndi madurog ung chichen....
Tapos ibuhos na po ung gatas na malabnaw takpan po ulit ng mga 5 to 10minutes tapos haluin ulit at patayin na apoy..

CREAMY CHICKEN PASTEL

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MGA LIKES & COMMENTS . HAPPY COOKING PO...